Questions? +1 (202) 335-3939 Login
Trusted News Since 1995
A service for tobacco industry professionals · Monday, June 17, 2024 · 720,672,312 Articles · 3+ Million Readers

Transcript of Senator Nancy Binay's Interview with Ano'ng Ganap? Radyo 630-Teleradyo Serbisyo, May 26, 2024

PHILIPPINES, May 26 - Press Release
May 26, 2024

Transcript of Senator Nancy Binay's Interview with Ano'ng Ganap? Radyo 630-Teleradyo Serbisyo, May 26, 2024

Question: Good morning Sen Nancy. Good morning ma'am. Welcome back sa Ano'ng Ganap?

Senator Nancy Binay: Magandang umaga, Sherie Anne and RG. Syempre magandang umaga din sa lahat ng nanunood at nakikinig ng inyong programa.

Q: Nakapagkape ka na ba ma'am? Ready ka na ba?

SNBA: Yes. Nakasalang nga ako sa washing machine. Ang hirap, dahil umuulan ngayon.

Q: Paano matutuyo yan?

SNBA: Yan na nga, makukulob.

Q: Sen. Nancy, simulan lang natin kasi hindi pa masyadong naririnig ang panig ninyo. Ano po ang inyong side story sa inyong panig naman, kailan n'yo nalaman na wala na kayong numero?

SNBA: Actually hindi naman ito first time na may sumubok eh. Pero yung nauna hindi siya naging successful. So I think parang last week, last Wednesday parang may naririnig na nga kaming ugong na akala naman namin di ganun kaseryoso.

Q: Kasi kami rin naman sa media, alam ko, ang naririnig ninyong ugong dati naririnig din naman namin. Pero nung una naming, ako personally nung Lunes sabi ko hintayin na lang natin mangyari kasi ilang beses nang naugong yan eh. Pero kayo po, take us back into your conversations amongst yourselves sa inyong grupo, sa inyong pito, pano ninyo napagtanto na wala na kayong trese at kayo ba ay nagbibilang sa mga nakaraang araw, kayo ba ay nagluloyalty check? Paano kayo nag-react?

SNBA: Actually nalaman na lang talaga namin na wala nang numero nung Monday na mismo eh. Kasi nga gaya ng sinasabi ni Sen. Migz, yung mga nakakausap naman niya ay sinasabi sa kanya na di kami pipirma. Kaya laking gulat na lang namin ng Monday morning eh wala nang numero.

Q: Sen. ang mga narinig natin dati, kasi ngayon na nakaupo si Sen. Chiz, iyon po bang mga dating attempts siya ring magiging beneficiary or was there another top name na lumulutang sa mga naunang chismis?

SNBA: Paiba-iba din ang pangalan eh, kaya nga mahirap malaman kung ano talagang katotohanan kasi parang tuwing may usapin ng coup, iba-ibang names ang na-float.

Q: Why do you think sa kanya nagkaroon ng numero? Kumpara sa mga ibang pangalang nabanggit?

SNBA: Siguro kasi nagkaroon siguro sila ng tasking? Si ganito in charge sa ganitong grupo, kaya I think they were able to get the numbers.

Q: So hindi lang si Sen. Chiz talaga by himself ang nanligaw pero may marami siyang or may kasama siya na talaga, ikaw ang toka kay ganoon?

SNBA: Mukhang ganoon kasi pag sa floor nakikita mo kung sino kumakausap sa kung kani-kanino eh.

Q: What do you think is the reason sa kanyang nagkanumero? Bakit, more than the tasking, ano ang pinag-usapan nila na parang naging mitsa o naging issue laban kay Sen. Migz?

SNBA: That I am not privy to kasi wala naman kumausap sa akin. But kung pagbabasehan natin sa lumalabas na balita, nasabi ni Sen. Bato na kinonfirm naman ni Sen. Bong Revilla na apparently dahil sa paa kaya agkaroon ng pagpapalit sa Senado.

Q: Nagkaroon po kasi si Sen. Bong ng achilles heel surgery, bumuka yata ang sugat.

SNBA: Pero kasi siguro dapat intindihin din nila kung, kasi di ba nung una pinagbigyan, pumayag kami na mag-Zoom siya, tapos lahat kami nagulat na lang na nasa Manila Polo Club na siya at naga-attend ng isang event, na to begin with, it was already an accommodation ang unang pagpayag namin dahil ang nasa rules namin kailangan COVID-19 or highly communicable disease which hindi pasok ang sakit niya. Tapos yun nga nagulat kami nag-attend siya ng event ng LAKAS at saka ng Partido Federal. So parang yung primary reason, talagang nawala na.

Q: Pero yun lang po ba ang rason? Kasi ang naririnig nating kwento is may mga individual reasons din daw ang mga senador, so there's no single reason that cost Sen. Migz his position.

SNBA: Ang sa akin is, if iba-iba ang kanilang reason, bakit lahat kayo lapit nang lapit kay Sen. Migz at naga-apologize. Kulang na lang lumuhod sila at humingi ng patawad. Yun na nga, yung bagong seating arrangement namin ngayon, ka-row ko na si Sen. Migz kaya nakikita ko at medyo narinig ko ang paghingi nila ng patawad. So parang for me it does not make sense na hihingi ka ng patawad supposed to be siya yung may kasalanan.

Q: Tumaas ang kilay mo, ma'am?

SNBA: Oo. Parang lahat kami, pati si Sen. Joel, hindi alam na ino-honor na pala siya through a Senate resolution. Alam mo naman ang proseso diyan sa Senado. Why file a Senate resolution honoring yung tatlong officers kung may pagkakamali at may kasalanan sila sa iyo? So parang weird. Puro papuri pero tinanggal naman nung Monday. Kaya hanggang ngayon, ang lumalabas yung issue ng paa ni Sen. Revilla pa lang ang confirmed na dahilan kung bakit nagkaroon ng tanggalan. Siguro it's up to the 16 to really explain at sabihin ano ba talaga ang pagkakamali at pagkukulang ni Sen. Migz Zubiri sa kanila.

Q: Kasi actually nabanggit niyo ang mga pagpuri. Mayron nga akong narinig na isang comment eh. Hindi kasi siya senador pero sabi niya kung pwede lang mag-interpolate, gusto niya itanong bakit niyo tinanggal tapos kaya pinupuri niyo. Yun ang naging reaction.

SNBA: Kung narinig nyo may nag-sponsorship speech pa, sinabi nila na perfect attendance from opening to closing. Tapos at the end of the day pinanggal pa rin.

Q: Sen, kahapon kausap namin si Sen. Tolentino. Sabi niya dapat daw hiwalay ang issue ng pagkakaalis sa pwesto ni Sen. Zubiri bilang SP dun sa papuri na tinanggap, dahil ang mga papuri daw na yun ay para sa overall contribution ng isang senador at hindi ito tungkol sa pagkaka-unseat sa kanya. Ito ba tinatanggap niyo ba na valid explanation ba yan para sa inyo?

SNBA: Kasi pag naririnig mo yung paliwanag it was most of their work from their position. Saka yun na nga, I think first time lang na hinonor yung tinanggal. Nung panahon ng kay Sen. Koko, hindi ko natanandaan na tumayo si Tito Sen para i-honor si Sen. Koko, walang Senator solution na pagbibigay-pugay.

Q: Sen. ito para rin in the spirit of fairness, alam ko aware kayo na after ma-unseat ni Sen. Migz, may mga lumalabas sa social media na parang ang dating kaya siya natanggal may mga insinuations na for 2 years naman na-enjoy naman ng camp nyo ang masyadong maraming perks, magagandang allocation ng projects, yung malalakas na committees. So it's about time na ibigay naman sa iba at iba ang mamuno. Ano ang dating sa inyo ng mga lumalabas na to?

SNBA: How I wish na talagang nabigay sa amin yung mga perks. Sa akin nga sa tingin ko, si Migz kasi sobra nyang bait. Parang gusto niya lahat pinagbibigyan. I think yan din ang hinanakit namin kasi lahat ng hiniling nila, lahat ng request nila talagang inaccommodate ni Sen. Migz, in fact may mga instances na kami mismo na kagrupo niya, kami na lang ang nagbibigay. Kasi alam namin na, mas maiintindihan namin na di na nya kami kailangan alagaan compared sa di nya kagrupo. Kaya hindi namin talaga maintindihan kasi firsthand na experience namin na mas inalagaan sila kesa sa amin.

Q: So walang issue ng perks, hindi totoo na yung mga favored group, yung Seatmates Plus na tinatawag?

SNBA: Hindi nga, eh. Puro trabaho nga binigay sa amin. Makikita yan, the record speaks for itself, yung mga priority bills, di ba for example si Sen. Loren hindi nya trabaho magdefend ng RCEP pero anong ginawa niya, pinagpuyatan niya at siya talaga ang nag-defend nito. Sa akin naman, hindi perk ang gumawa, hindi biro ang tapusin ang Senate building kaya nga sabi ko siguro in a way blessing in disguise na wala na ang trabaho na yan sa akin dahil I also need to concentrate sa susunod na yugto ng aking political career and yung talagang nakakakain sa oras ko ang pagtutok sa Senate building.

Q: Pero isang surprising din, although na-monitor ko to, din-discuss nyo rin ng konte, isang surprising din aside from ang election ng mga Senate leaders. Talaga bang ganun sa protocol ininame agad sa session kung sinong Chairman ng Senate Committee on Accounts?

SNBA: Yung sa akin off-script yun kasi before starting session nagkaroon na ng pag-uusap between SP Chiz, si Sen. Alan, on our side naman ay nandun si Sen. Joel, ako, si Sonny yata, Sen. Loren and Sen. Migz. Tapos nung pinaguusapan na ano magiging flow ng session, paano yung script sa pagpapalit para maayos at hindi magulo, so ang unang usapan was ang tatlong officers lang muna ang mag-resign sa Monday para ma-elect na ang panibagong set of officers. Nung pagdating namin sa baba, kinuusap ako ni Sen Joel na parang sabi niya, kapatid kailangan mo rin mag-resign kasi si Sen Alan gusto na niyang ma-elect din siya today. So parang sabi ko, eh di fine, okay. Tayo ako, tapos nung nandun ako sa podium parang naisipan ko na mag-resign na rin ako sa dalawa ko pang committee. So parang bakit pa ako magkakapit tuko? Baka doon sa grupo nila mayroong interesado doon sa dalawa ko pang committee. So right there and then sa pagtayo ko sa podium doon lang ko talaga naisipan na mag-resign in all my committees. Tapos nung pabalik na ako sa upuan, si Sen. Sonny naman nagsabi sa akin na mag-resign na rin kaya ako. So tumayo na rin siya.

Q: Ma'am clarification lang, yung sayo, hiningi talaga agad. Yung kina Sen. Sonny...

SNBA: Yes, yung accounts. Yung accounts, hiningi agad na mag-resign ako para ma-elect na sya last Monday.

Q: Anong dating nun? Ma'am unang una kasi, kita sa video nagiiyakan kayo, mga Seatmates members at mga kaibigan ng Seatmates, ano yun umiiyak kayo dahil sa natanggal, o umiiyak kayo dahil nasaktan?

SNBA: Umiiyak kami hindi dahil natanggal kami. Umiiyak kami kasi well unang-una ramdam namin ang sakit. Diba? Katulad ng sinabi niya he was heartbroken kasi inalagaan niya, inasikaso niya ang mga kasamahan namin. Tapos ganun nalang. Parang wala man lang pasintabi kasi di ba parang noong nandun na kami sa floor doon na lang nalaman eh. Sana before when they already had the numbers ano ba naman ang nagtext sila para sabihin na, pasensya na or... Dun na kami sa kabila. Which they did naman after. So siguro mas madaling magpatawad kung mas nauna nagpasabi kesa dun sa tapos na.

Q: Siguro kung mas maliwanag yung rason para magka-closure, di ba.

SNBA: And yun na nga hanggang ngayon hindi naman nila sinasabi ano ba talaga yung dahilan kung bakit napunta sila sa kabila.

Q: Pero nung initial na bilang ma'am, Friday, Saturday ilan yung kasama nyo nagkocommit sa inyo?

SNBA: Parang lahat pa sila. More or less.

Q: Including Sen. Chiz?

SNBA: Eh di naman --I think di namin alam na siya pala.

Q: So ang anong ninyo nun...

SNBA: I think Sunday. Medyo nagbigay linaw na. Parang that time may 13 pa kami.

Q: So ang dami nyong nalagas?

SNBA: Sunday night parang 13 pa kami. Nung umaga nga may tumatawag pa kay Migszna parang I'm not signing. Tapos nung hapon, pumirma na pala.

Q: Yun kasing mga naririnig natin Sen. Nancy na ang dinadahilan utos daw ng partido, at least some of your colleagues went on record na utos daw ng partido yan na kanilang kinabibilangan. Do you believe that?

SNBA: It's a possible reason. But siguro maganda ding malaman bakit nagkaroon ng ganung utos yung partido? Di ba? I'm not privy, di ko nga alam kung ano ang nangyari on their end eh and di rin naman sila nagsasabi. So mahirap mag-speculate. Pero one thing is confirmed yung ano lang paa ni Sen. Bong Revilla.

Q: Nagkaroon po ba kayo ng pagkakataon makausap si Sen. Revilla or kahit si Sen. dela Rosa?

SNBA: Wala pa. And siguro at the moment baka mahirap pa makipag-usap. Masyado pang fresh ang betrayal. But in time di ba ngayong break kami for 2 months baka pagbalik namin things will be better. Because at the end of the day collegial body kami, di ba. Kailangan namin magtrabaho together para mapasa ang mga panukala na kailangan na kailangan.

Q: Ulitin ko lang po yung sinabi nyo dahil nabanggit nyo ang salitang betrayal. Kayo po you feel betrayed?

SNBA: I think so. That's the prevailing emotion. Kasi nga, buti sana kung yung mga kasamahan ko tamad, hindi pumapasok, makikita nyo naman kung sinong from beginning to end ng session kung sinong naiiwan sa floor. Kaya siguro ganito na lang ang nararamdaman namin.

Q: Balikan ko lang din po ma'am yung punto nyo kanina. Ang sabi ninyo is, yung accounts lang sana ang i-resign po ninyo dahil may humingi tapos niresign ninyo na rin ang iba ng ninyong committee positions and then yung iba nyong mga kasama, nag-sigaya na rin po, it was not planned.

SNBA: Yes, kaya tumayo na si Sen. Sonny, saka si Sen. JV.

Q: Sen. so wala na ang so-called Seatmates? Napalitan na siya ng Solid 7?

SNBA: Yes.

Q. So ano ang aasahan sa Solid 7 sa pagbabalik ng session?

SNBA: Well no. 1, tuloy lang din ang pagiging masipag ng aming grupo, and I think the past week makikita naman na kami ang unang nasa floor hanggang sa pagsara ng floor ay meron from the Solid 7 naiiwan. Kumbaga from opening to closing meron kaming kasama na nandon. So sa amin mababago ang- mas independent ang mindset namin ngayon. Alam natin when you're part of the majority may bagay-bagay na you have to compromise. But at this point hindi na yung level of compromise namin is not as big as before.

Q: Mas libre na kayo ngayon na magsabi ng mga stand on issues?

SNBA: Yes. Mas may leeway to move dahil nga yung pagiging independent bloc namin.

Q: Ma'am si Sen. Chiz the other day was telling us sa kapihan na maraming mga senador ang wary sa charter change. Do you believe that ?

SNBA: In fact, si SP Chiz pa ang talagang nangunguna at nagko-convince sa mga kasamahan ko na huwag, hindi maganda ang charter change.

Q: Pero sabi nga niya isa lang ako sa boto. So kailangan pakinggan din ang ibang mga senador. Ano nakikita niyo magiging chance nito ngayon? Kasi sabi niyo ngayon, mas libre na kayong magsabi ng punto de vista ninyo as compared sa dati. So ano nakikita nyong tsansa?

SNBA: Mas nagdagdagan yung numero na hindi pabor sa charter change. Kasi like for example sino ngayon ang magde-defend ng RBH 6, kasi hindi na nga si, nagbitaw na si Sen Sonny. So time-wise hindi ko alam kung may panahon pa dahil pagbalik namin magiging busy na rin kami sa budget.

Q: Pinababalik pa sa committee ni Sen. Robin.

SNBA: Unless si Sen. Robin na lang ang magpatuloy sa pag-defend sa floor nitong RBH 6.

Q: Pero Sen, ito di ba RBH 6, economic amendments. Pero si Sen. Robin very open na gusto rin niya, hindi, pati political amendments. So kung kayo sa inyo, kung kaya niyo rin magsalita for Solid 7, kung iba sa inyo may reservation sa economic amendments, kumusta naman ang stand niyo pagdating sa political amendments?

SNBA: Ang sa amin talaga majority sa amin, tanggap na talaga ang 3 years na term para sa mga local ay talagang maiksi. But yung timing at the moment mukhang this is not the right time dahil mas marami pang problema na dapat unahin. Kasi very divisive yang issue ng term limits, eh pag yan ang paguusapan hindi na makakapag-concentrate sa mga bagay-bagay na dapat unahin. So kumbaga di siya natatamang panahon.

Q: Ma'am nabanggit nyo yung budget, backtrack lang tayo a bit, was the budget ever a reason, do you think, sa nangyaring palitan?

SNBA: Ako, I don't know kasi nakita naman natin na sobrang sipag naman ni Sen. Sonny at makita din naman natin na for example yung AFP, Coast Guard, tuwang-tuwa sila na may Senado na talagang binibigyan sila ng budget at sino-suportahan ang modernization program nila na kung walang ganung push from the Senate, I don't think makakabili ng gamit ang ating AFP at Coast Guard lalong lalo na ngayon na may issue tayo sa West Philippine Sea.

Q: Ma'am mayroon po bang na-zero in terms of na-lobby na projects for their advocacies among your colleagues?

SNBA: Naku, parang imposible yun kasi lahat naman kami ay may, we are welcome kay Sen. Sonny na mag-submit ng amendment pagdating sa budget, lalo na if it's an advocacy of the senator.

Q: Yun pa ma'am eh, yung isang kwento na kumakalat, ay ito yung nakuhang worth of projects ng isang senator samantalang yung isang senator eto lang ang amount of project na na-allocate. May mga ganun ba? Ito ma'am kwento na umiikot.

SNBA: Ehh well siguro tutal bago na naman ang finance chair makikita na niya sa libro kung talagang may ganung pangyayari.

Q: Kayo ba ma'am makikita ba namin in the coming weeks or months si Sen. Binay na parang heto, kasama na ito sa nags-scrutinize ng budget in the sense na although ito ginagawa mo ito nung nasa majority ka, pero the likes of Sen. Ping na talagang ini-scrutinize ang mga unfinished road projects at kung ano-ano pang mga government projects na unrealized?

SNBA: Sabi ko nga, nung pumasok ako sa Senado ng 2013, I was part of the minority bloc. So sabi ko parang in a way full circle din kung ano ang nasimulan ko sa Senado, mukhang parang ganong position din sa pagtatapos ko. Not necessarily part of the minority bloc but mas nagbabantay at nag-scrutinize.

Q: Ano po reaction ni VP Binay sa mga nangyari? Ano naging payo sa inyo?

SNBA: Actually hindi pa namin napag-usapan. Siguro mamaya, usually pag Sunday nakikita kami for dinner.

Q: Kayo po ba naniwala na walang nakialam na tagalabas ng Senado dito sa palitan ng sa liderato?

SNBA: It's also a possibility yung ganyang scenario na may outside forces. Ang best na mag-explain talaga ay yung mga lumipat kung ano ang nag-trigger para finally lumipat sila at umalis si Sen Migz.

Q: Parang ang tono mo ma'am hindi ka na babalik sa majority. Hindi ka na babalik?

SNBA: Parang at the moment majority pa naman kami, majority independent, parang kung ano sina Sen. Pia and Alan nung nag-umpisa kami during this Congress. So parang ganun din ang role namin.

Q: Parang critical majority?

SNBA: Parang ganun.

Q: So ano na ang mga paghahanda mo ma'am na ginagawa ngayon aside from sa mental preparation ma'am?

SNBA: Syempre, ngayon pa lang yung mga panukala na nakasalang for interpellation titingnan natin kung ano ba dun ang mga dapat ayusin or kung okay na ba siya, and siguro nga yung budget titingnan natin, ngayon pa lang ipapa-review na natin kung ano na yung mga nagawa for this year's budget at ano ang mga nagkaka-problema.

Q: Kumbaga mas masimsin. Last question po bago namin kayo pakawalan. Kayo po ba ay may final decision kung anong ifa-file ninyo sa Oktubre for the election?

SNBA: In time, total medyo matagal pa naman yung filing. But at the moment sabi ko nga nung nagkita tayo RG na parang I'm looking for signs. Parang, baka isa dun, isang sign itong pagkatanggal ko as chairperson ng accounts kasi parang talagang kumakain ng malaking oras ko itong New Senate Building. But since nawala na, parang sinasabi na maghanda ka na dahil, mag-concentrate ka na, magumpisa ka na sa paniwagong laban na papasukin mo.

Q: Nagkaroon na kayo ng pagkakataong makausap ang inyong sister na si Mayor Abby at ang kanyang asawa? Kasi I think si Mayor Abby already announced to one of our colleagues na sya naman ang susubok sa Senado.

SNBA: Hindi pa. May mga nakausap na tayo na baka pwedeng mag-mediate between us kasi sa tingin ko kailangan may third party na mag-re-referee para mas maayos ang aming pag-uusap.

Q: Mag-mayor kayo, pero hindi niyo isasara ang pint niyo sa Senado pagdating na araw kasi baka mamaya na-trauma kayo at ayaw niyo ng bumalik?

SNBA: Hindi ko alam ano eh. Alam mo napaka, itong career ko sa pulitika was by accident, hindi ko nga pinlano maging senador eh. Tapos nung nanalo na tayo sabi ko one term lang, nag-end up din tayo na two terms. Tapos wala naman akong ambisyon din mag-local pero mukhang doon tayo papunta. So kung anong trabaho yung nakatadhana sa atin, sundan na lang natin.

Q: Thank you.

SNBA: Maraming salamat.

Powered by EIN Presswire
Distribution channels:


EIN Presswire does not exercise editorial control over third-party content provided, uploaded, published, or distributed by users of EIN Presswire. We are a distributor, not a publisher, of 3rd party content. Such content may contain the views, opinions, statements, offers, and other material of the respective users, suppliers, participants, or authors.

Submit your press release